Add parallel Print Page Options

40 Kung(A) paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra, at ang mga lunsod na karatig nila, sinasabi ni Yahweh na wala nang maninirahan doon, o makikipamayan sa kanya.

41 “Masdan mo, may dumarating mula sa hilaga;
    isang bansang makapangyarihan.
    Maraming hari ang nagbabangon mula sa malayong panig ng daigdig.
42 May mga dala silang busog at sibat,
    sila'y malulupit at walang habag.
Nakasakay sila sa mga kabayo.
    Ang kanilang mga yabag ay parang ugong ng dagat.
Nakahanda sila laban sa Babilonia.

Read full chapter